Gabay sa Manlalarong Pinoy [Filipino FAQ]
Gabay sa Manlalarong
Pinoy
by: Arceus_ph updated by: antoniosunglao_31
Ang website ng larong ito:
http://www.pokemonworldonline.net/
Napakaimportante!! Ito ay ang playerdex, ito ay may sobrang daming
mabuting impormasyon. (Isa na dito ay kung saan mo makikita ang mga
pokemon.)
Playerdex version 0.9: http://blog.playerdex.com/
Playerdex version 1.0: http://www.playerdex.com/
Kailangan ng dagdag tulong? Gusto mong magbasa ng mas detalyadong
impormasyon tungkol sa mga quest, bug, items at features? Tignan mo ang
PWO Wiki: http://grou.ps/pwo
Mga katangian na kasalukuyang makikita sa laro:
http://www.pokemonworldonline.net/features.php/
Mga darating na pagbabago sa laro:
http://blog.pokemonworldonline.net/Index.php?/forum/4-announcements-and-updates/
Chat ng PWO (Pareho lamang ang dalawang ito):
http://www.pokemon-trading-cards.net/chat2/Coolsmile/chat/
http://www.pokemonworldonline.net/chat.php/
Pangkalahatan:
Ito ba ay opisyal na laro?
Hindi, ang larong ito ay hindi gawa ng Nintendo, ito ay gawa ng isang
tagahanga at base sa naunang mga pokemon na laro. Si Kyro ang gumawa ng
larong ito.
Kapag nakakita ako ng manlalarong nangdadaya, o gusto kong magsumbong
ng hack/bug, ano ang dapat kong gawin?
Isumbong ito sa isang GM o MOD sa pamamagitan ng pagchat sa kanila online,
o
sa pagsumbong sa kanila sa forums.
Ano ang isang Gamemaster [GM] at Moderator [MOD]?
Ang mga Gamemaster ay tumutulong sa pamamagitan ng pagbuo ng laro,
pagbabantay ng chat at patas na paglalaro sa paligid ng laro. Ang Moderator
naman ay nandyan para
mabawasan ang mga gawain ng Gamemaster. Ang
mga Moderator madalas
ang sumasagot sa mga simpleng katanungan ng mga
manlalaro. Sila rin ay
tumutulong sa pagbabantay ng chat at patas na paglalaro sa
paligid ng laro. Ang mga
Gamemaster at Moderator ay madalas abala kaya
siguraduhin mong
mahalaga ang itatanong mo kapag kokontak ka ng isa.
Kailangan ba ako tulungan ng mga Gamemaster [GM] o Moderator [MOD]?
Ang mga Gamemaster at Moderator ay nandyan para tumulong sa pagbabantay
para
mapanatiling walang nandadaya sa laro. Ito ay nasa indibidwal na manlalarong
Gamemaster na kung maghahandog ba siya ng tulong sa laro o siya ay hindi
nasa ilalim ng obligasyon para gawin ito. Ang mga Moderator naman ay kadalasang
nandyan para tulungan
ka. Sila ay kadalasang abala sa pagtulong sa mga manlalaro.
Paano nagiging Gamemaster [GM] o Moderator [MOD] ang isang tao?
Tinitignan namin ang isang manlalaro kung pwede ba siya maging
Gamemaster o Moderator sa ganitong mga paraan.
Pinagaaralan namin ang kanilang ugali sa forums, bilang at uri ng mga
sumbong na napadala tungkol sa kanila, gaano sila nakakatulong at
palakaibigan sa ibang manlalaro, mga mensahe na napadala sa amin ng ibang
manlalaro tungkol sa kanilang ugali sa laro at kung gaano
kadami ang naitulong nila sa laro.
Ang pagkakataon ng isang manlalaro na maging Gamemaster o Moderator ay hindi
base sa lebel ng
kanilang karakter at kung gaano na sila katagal naglalaro,
ito ay base sa kanilang pagiging mature kumilos at ugali nila sa laro.
Ang ibig sabihin nito hindi ka makakakita ng baguhang manlalaro may
Gamemaster oModerator status, makakakita ka ng ibang manlalaro na hindi naglaro
pagkatapos ng ilang buwan. Iniimbestigahan pa namin ng husto ang isang account
bago
namin itogawing
Gamemaster o Moderator, kapag nakita mong may [GM] o [MOD]
sila sa pangalan, ibig
sabihin Gamemaster o Moderator na sila.
Kapag meron kang kaso dati, di nito tinatapos ang pagkakataon mo na
maging Gamemaster o Moderator, kapag natuto ka na sa iyong mga pagkakamali at
nakagawa ng magandang
epekto sa laro, magiging posible ka na ulit maging Gamemaster
o Moderator.
Hindi kami nagibibigay ng detalye kung gaano kalapit na ang isang
manlalaro na maging Gamemaster o Moderator pero kapag ginagawa mo ang mga
kailangan
para maging Gamemaster,
papaalahanan ka namin.
Paano ako lalapit sa isang GM o MOD?
Kapag meron kang tanong na tatanungin, siguraduhin mong importante ito,
Huwag mong subukang magtanong ng karaniwang tanong na alam ng kahit
sinong manlalaro. Siguraduhin mong makikipagusap ka ng maayos at malinaw.
Kapag dumulong ka sa Gamemaster at hindi sila sumagot, huwag ka magspam o di
kaya
ulit-ulitin ang tanong
mo. Dahil baka abala sila sa paggawa ng laro. Kapag dumulong ka naman
sa Moderator at hindi
sila sumagot kaagad, maghintay ka dahil maraming manlalaro din ang
nanghihingi ng tulong sa
kanila, hindi lang ikaw. Kapag di pa rin sila sumagot, pwede mo
silang padalhan ng email
sa halip.
Paano ko mapapataas ang pagkakataon ko na maging Gamemaster o Moderator?
Sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ng laro at sa pagsasaayos ng
magandang halimbawa sa iba sa laro man o sa message board. Maglaro ng patas
(walang daya at yung iba pa) at maging palakaibigan ka na tao na pwedeng
tumulong sa mga tanong ng ibang manlalaro. Pagpapel sa pamumuno,
pagtulong sa mga bagong manlalaro kapag ayaw maalis sa isang lugar ay
nakakatulong din.
Pwede ba ako tumulong sa paggawa ng mga mapa, newsletter o sprite?
Kapag ikaw ay interisado na maging tagagawa ng mapa, newsletter o sprite,
paki tignan po
ang mga artikulo na ito:
Map: http://grou.ps/pwo/wiki/173756
Newsletter: http://grou.ps/pwo/wiki/165458
Sprite: http://grou.ps/pwo/wiki/154298
Ako ay nakamute, bakit?
Kapag ikaw ay nakamute
ibig sabihin di mo sinunod ang mga batas ng
laro. Depende sa bigat ng kaso, kapag ito ay di mabigat, maliit na mute
lamang.
Paano ako magiging member at ano ang mga mapapakinabangan ko dito?
Tignan mo dito: http://www.playerdex.com/memberships.php
Ang mga member ay
nakakakuha ng 50% na mas mataas na experience, mas
malaki ang pagkakataon na makakita ng shiny pokemon, dobleng pera
pagnanalo sa isang laban at makakakuha ka ng libeng PWO Token kada Dolyar ng EU
na
i-donate mo habang ikaw
ay miyembro na gagamitin mo sa PDex store para makakuha ng
iba pang mga kagamitan
katulad ng avatar customizations, trainer card customizations, mga
pokemon na hindi
mahuhuli sa laro at iba pa. Ito ay nagkakahalaga ng $5 bawat buwan.
Ito ay ginagamit sa
pagbabayad sa mga server ng laro.
Paglalaro ng PWO:
Paano ko malalabanan ang ibang manlalaro?
I-type ang "/battle
pangalan ng manlalaro" para manghamon at para tumanggap ng hamon,
i-click naman ang
"yes" kapag may lumabas sa screen mo na kahon kapag may nanghahamon
sa iyo. (Walang kasamang
kotasyon.)
Paano ko malalabanan ang mga NPC trainer?
Maglakad ka papunta sa kanila at pindutin ang space o enter.
Pwede ba akong makipagtrade ng pokemon sa ibang manlalaro?
Oo, pero dapat meron kang 100 rep. (Makikita mo ito sa laro sa pamamagitan
ng pag-click
sa tab ng profile mo na
matatagpuan sa upper left ng screen ng laro.)
Para makatrade, dapat na sa isa kang Pokecenter kasama ng makikipagtrade sa
iyo,
Kahit anong PC ay
gagana. I-type ang “/Trade pangalan ng manlalaro” (Walang kasamang kotasyon).
Kahit ano pwede mong i-trade. Pwede kang magbenta ng pokemon at mga
gamit, pwede mo silang i-trade, o ibigay ng libre. (Ang mga trade ay
minamanmanan, kaya wag kang gumawa ng kasinungalingan pagnakikipagtrade.)
Paano ko muling isasaayos ang mga Pokemon ko?
I-right click mo ang pokemon na gusto mong ilipat sa tab ng pokemon party
mo sa upper
left ng screen sa laro
at piliin mo ang posisyon na gusto mo.
Paano ako makakaalis sa PC?
I-click mo ang close sa upper right ng game screen mo habang ginagamit mo
ang PC.
Paano ko mapapagamot ang aking mga pokemon?
Pumunta ka sa isang Pokecenter, na ang kulay ng bubong ay pula. Ang
unang Pokecenter ay nasa Viridian City sa hilaga ng Pallet Town.
Paano ako maglolog-off?
Hindi mo na kailangan gumawa ng kahit ano para maglog-off, pindutin mo
lang ang X sa taas. Ang laro ay nagsasave ng kusa habang naglalaro ka.
Ano ang battle HQ? Ano ang mga team? (Kasalukuyang tinanggal muna sa laro)
Kapag nagsimula ka ng laro, mapupunta ka sa kahit ano sa dalawang team,
pwedeng red o blue. Kapag pumasok ka sa battle HQ sa isang town pwede
kang kumalaban ng manlalaro mula sa ibang team para masakop mo ang
town na iyon. Yung town at headquarters ay sakop na ng team mo pagnanalo
ka.
Nagpapalit ng may-ari ang battle HQ kapag:
A) Kapag wala ang may-aring team ng HQ na iyon kapag may mananakop
B) Ang team ay natalo sa laban.
Binibigyan ka lamang ng EXP ng battle HQ sa unang laban mo sa araw na
iyon. Makakakuha ka ng team EXP pagnanalo ka na pwede mong gastusin sa
team shop niyo.
Ano ang Team Points? Paano ko ito makukuha?
Makakakuha ka ng team points pagnanalo ka sa HQ. Ito ay ginagamit para
makabili ng Pokemon na partikular sa iyong team, katulad ng red team
na pwedeng makabili ng fire type pokemon.
Saan ko makikita ang pokemon na hinahanap ko?
Tignan mo ito: http://playerdex.com/index.php?INDEX=POKELOC
Kailan mageevolve ang isang pokemon?
Tumingin ka sa isang Online Pokedex. Ito ay isang magandang halimbawa:
http://serebii.net/pokedex-rs/
Anong mga moves ang matututuhan ng isang pokemon?
Tignan ang http://serebii.net/pokedex-rs/ o
http://www.pokecharms.com/webdex/search.php
at i-scroll pababa hanggang firered/leafgreen levelling system.
Anong type ng pokemon ang malakas ang epekto sa ibang mga type?
Tignan mo ito at i-scroll mo pababa hanggang makita mo ang tsart sa
gitna ng pahina:
http://en.wikipedia.org/wiki/Pokemon_types#Table_of_Pok.C3.A9mon_types
Paano makakuha ng Reputation?
Makakakuha ka ng
Reputation sa pakikipaglaban sa mga NPC trainers.
Makukuha mo madalas ay 0.2 rep bawat NPC trainer.
Makakakuha ka din ng reputation sa pagkikipaglaban sa ibang manlalaro
online sa PvP battles.
Sa isang PvP Battle, ang panalo ay makakakuha ng reputation samantalang
ang matatalo ay di maaapektuhan ang reputation.
Paano ako makikipagchat?
Walang lokal na chat o /shout na command. Kapag gusto mong makipagusap,
magtype
ka lang sa chat bar sa
baba at makikita na yun ng mga players na nasa naturang channel
ng chat na
kinabibilangan mo. Ang chat ay nahahati sa iba’t ibang channel. Ito ay ang
all, battle, trade,
guild at global. Kapag gusto mo mag-adbertisa ng trade, sa trade channel
mo ito i-type. Sa
pag-adbertisa naman ng battle, sa battle channel. Sa pakikipagusap naman sa
mga miyembro ng guild na
kinabibilangan mo, sa guild channel. Kapag pumasok ka naman sa
global channel, makikita
mo lahat ng sinasabi ng mga manlalaro sa lahat ng channel. Kapag
gusto mong makipagusap
sa isang manlalaro ng tago, pumunta ka sa Whose Online na tab
na makikita sa upper
left ng screen ng laro at pumindot ng pangalan para magsimula ng isang
pribadong chat o IM
Kapag gusto mong makipagusap sa iyong kaibigan sa ibang server,
pwede kayong pumunta sa
PWO chat.
http://www.pokemon-trading-cards.net/chat2/Coolsmile/chat/
http://www.pokemonworldonline.net/chat.php/
Mga Teknikal na Katanungan:
Tumitigil ang laro kapag pumapasok ako ng bagong lugar. Paano ko ito
aayusin?
Magrelogin ka. (Patayin
mo ang laro at maglogin ka uli.) Kapag naglakad ka
sa pinto ng isang
pokemart at walang nangyari, wag mong ulit-ulitin maglakad
at pumasok, hintayin mo
lang ito magload.
Bakit kulay rosas/biyoleta/madilim at iba pa ang screen ko?
Merong gabi at araw sa PWO. Makikita mo ang orasan sa upper right ng
game screen. (Ito ay hindi kapareho ng tunay na oras, naggagabi
dalawang beses kada araw para maranasan ng iba ang gabi.) Kapag sobrang
dilim ng monitor mo para makakita, yung monitor mo yung madilim, baguhin
mo yung brightness.
Paano maging full screen ang laro?
Tanggalin mo lamang ang tsek sa maliit kahon sa kaliwa ng window mode sa
login
screen ng laro.
Bakit hindi ako makapasok sa isang bahay?
Hindi lahat ng gusali ay tapos na. Ang mga pokecenter at mart ay
bukas, pero maraming mga bahay at mga hindi importanteng gusali ay sarado.
Natalo ako kay Brock at di ko na sya makalaban at di na ko makaalis ng
lungsod. Bakit?
Kapag natalo ka kay Brock o nadisconnect habang nakikipaglaban,
kailangan mo munang maghintay ng dalwang araw para makalaban mo uli siya. Di
ka makakaalis ng lungsod hanggang di mo pa siya natatalo at nakukuha ang
badge.
Mga Batas:
Hindi nakalista dito ang lahat ng batas, ito lamang ay unting patnubay
kung paano mo disiplinahin ang sarili mo sa PWO.
1. Bawal mangutsa o
mangabuso sa ibang manlalaro gamit ang salita, o
sobrang panunumpa sa ibang manalalaro.
2. Huwag magspam. Ang ibig sabihin noon ay wag magsend ng mga walang
kwentang salita sa chat ng paulit-ulit, o pagpapaulit-ulit ng isang
parirala gamit ang copy/paste.
3. Huwag magspam ng mga advertisement.
4. Huwag mangharass ng ibang manlalaro sa IM. Kapag sinabi ng isang
manlalaro na tigilan mo na ang pagI-IM sa kanya, respetuhin mo ang
kanilang pribasya at tantanan mo na sila, pwede ka nilang ireport pag di ka
tumigil.
5. Huwag mong sadyain na gumawa ng kasinungalingan sa trade o
pagsasamantala para manira sa laro.
Patnubay para sa mga Baguhan na hindi pa nakakalaro
ng kahit anong Pokemon
na laro:
Kapag hindi ka pa nakakalaro ng kahit anong Pokemon na laro o kailangan
mo ng dagdag na tulong, ito ang mas detalyadong patnubay para sa mga
baguhan sa paglalaro ng Pokemon.
1. Una, magsisimula ka
sa Pallet Town. Maglakad ka lang hanggang maabot
mo ang damuhan. Dito pwede kang atakihin ng Pokemon, pwede mong
hamunin ang mga Trainers sa pamamagitan ng pagpipindot ng SPACE sa harapan
nila.
2. Kailangan mong ipagamot ang mga Pokemon mo. Maglakad ka lang
hanggang maabot mo ang pangalawang lungsod, Viridian City. Makakakita ka ng
pulang gusali, iyon ay ang Pokecenter, pumasok ka sa loob para magamot
ang mga Pokemon mo. Merong ding asul na gusali na tinatawag na Pokemart.
Pumasok ka, maglakad ka papunta sa counter at pindutin mo ang SPACE.
Pwede kang bumili ng mga potion para sa paggagamot ng Pokemon sa laban at
Pokeballs sa panghuhuli ng Pokemon.
3. Pagkatapos mo ipagamot ang mga Pokemon mo at pagbili ng mga
Pokeballs, bumalik ka sa damuhan sa gitna ng Pallet Town at Viridian City para
makapagsanay ka makipaglaban. Sa bawat laban na maipapanalo mo
makakakuha ka ng experience points, na kailangan upang maglevel ang mga Pokemon
mo. Sa panghuhuli ng Pokemon, pahinain mo muna ang Pokemon sa
pamamagitan ng pagbawas sa HP nito at pindutin mo ang ITEM, gamitin mo ang
Pokeball.
4. Paggamit ng Pokecenter- Sa dulo ng bawat Pokecenter ay may PC.
Maglakad ka papunta doon at pindutin mo ang space para makita mo ang mga
Pokemon mo. Pwede mong isaayos muli ang mga Pokemon mo dito. Para
makalabas ka ng PC, I-click mo ang close sa upper right ng game screen habang
gamit
mo ito. Kapag meron kang
dalang anim na Pokemon , ang mga nahuhuli mong
Pokemon ay napupunta dito ng kusa.
5. Pagalis sa Pallet Town o Viridian City- Maglakad ka lang sa paligid
at makikita mo din ang daanan. Ang Pokemon ay tungkol sa eksplorasyon.
Kapag palpak ang lahat, maglakad ka lang sa dulo ng lungsod hanggang sa
makakita ka ng daanan na pwede mong malakaran.
6. Paglaban sa ibang manlalaro- itype mo ang "/battle pangalan ng
manlalaro" para maghamon ng laban at para tumanggap ng hamon, i-click
naman
ang "yes"
kapag may lumabas sa screen mo na kahon kapag may nanghahamon sa
iyo. (Walang kasamang
kotasyon.)
7. Pagpasok sa mga bagong lugar- Kapag papasok ka ng isang gusali o
bagong lugar, baka maglag kung gaya baka tumagal ito. Kapag naabot mo na
ang pasukan, hintayin mo ito magload, huwag mong ulit-ulitin o piliting
makapasok.
To all Filipinos:
If you see errors, please report it to me, Arceus_ph.